Crispin Beltran (January 7, 1933–May 21, 2008)
Matapos ang isang aksidente, ay pumanaw na kahapon ng umaga si Anakpawis Representative Crispin Beltran.
Ang buhay ni Ka Bel ay iniukol niya para sa mga manggagawa at sa pagsulong ng kanilang mga karapatan.
Hindi ko alam kung paano ako magbibigay pugay. Hindi ako aktibista, pero nakadama ako ng kung anong lungkot nang mabasa ko ang balita sa internet kahapon, habang nasa isang ICT seminar ako’t nawalan na ng gana makinig sa tagapagsalita.
Sana maisakatuparan lahat ng kaniyang ipinaglaban. Isa na siyang bituin sa langit ngayon, gumagabay sa mga taong nakikibaka at nagsusulong ng pagbabago.